Wednesday, May 22, 2019

ANA


Credit:Alfredo Martirena via CartoonStock - www.cartoonstock.com/cartoonview.asp?catref=amrn1690

Copyright:© Alfredo Martirena via CartoonStock - www.cartoonstock.com/cartoonview.asp?catref=amrn1690



Chapter 1


Si Ana ay isang anak ng mag asawang mag bubukid na sina Mang Toni at Aling Daday sa pag sasaka lang sa bukid ang kanilang kinabubuhay. dahil sa kagustuhan ng mag asawang Toni at Daday na maka pag aral si Ana sa kolehiyo sinanla nila ang kanilang sakahan sa isang mayaman nilang ka baryo. dahil nang hihinayang sila kong di makapag aral si Ana

Nasa Second Year College palang si Ana binabawi na ng mayamang pamilya ang perang pinautang nila kay Mang Toni at ALing Daday dahil nag ka problema sila sa financial dahil na bankrupt ang kanilang negosyo. kong hindi maibabalik ang perang pinag sanlaan sa bukid ng mga magulang ni Ana ay Kukunin nila ang sakahan dahil naka Collateral naman ito.

Mang Toni: Maa'm & Sir Kong kukunin nyo po ang aming sakahan wala na pong matitira sa amin yan lang pong bukid ang kinabubuhay namin. ang usapan naman natin ay mag babayad kami tuwing Anihan. hindi naman ho kami Pumapalya sa pag babayad. halos lahat ng kita sa bukid binibigay inaabot namin sa inyo.

Tibor:  Oo nga Mang Toni Naiintindahan kita pero kailangan ko na ang pera. pero may paraan naman e, Ito kasing Binata kong anak na si Lando may Gusto sa Anak mong si Ana hindi ko na kukunin ang sakahan mo kong papayag si Ana na Mag pakasal kay Lando

Mang Toni: Naku po sir labing anim na taong Gulang lang si Ana ang Bata bata pa niya. 

Tibor: Problema ba yon e mag live in  nalang muna sila tapos ipakasal pag dating sa tamang edad.

Umuwi si Mang Toni na Laylay ang balikat. dahil napaka laki ng Kondisyon ni Tibor. ang nag iisa niyang anak kapalit ng sakahan nila.
habang sinasabi ni Mang Toni kay Aling Daday at Ana ang Kondisyon ni Tibor umiyak na lang si Aling Daday.

Pagkalipas ng Ilang araw nakapg desisyon si Ana na Makisama nalang kay Lando dahil sa pag mamahal niya sa kanyang magulang at sa kinabubuhay nila ang kanilang sakahan. labis labis ang hinagpis ni Aling Daday, wala rin silang nagawa.  

Si Lando ay isang binatang ubod ng tamad, adik, at babaero na anak ni Tibor na ngayon ay kinakasama na ni Ana dahil sa kagustuhan ni Ana na isalba ang kanilang sakahan.
Bumukod sila Ana at Lando dahil Binilhan sila ng bahay ng mga magulang ni Lando sa kabilang Barangay. Unang Gabi nila bilang mag ka live in Gustong makipag talik ni Lando kay ana pero ayaw ni Ana kaya binugbog siya ni lando at nakuha ang gusto niya. Si Lando ang naka Virgin kay Ana. 

Lumpias ang isat kalahating taon unti unti nang natutunan mahalin ni Ana si Lando dahil mabait naman ito pag hindi lasing at naka droga. kahit tadtad siya ng pasa sa katawan pag nalalasing ang asawa.


Lando: Oh ginabi ka na namang Haliparot ka! (habang nakahawak sa braso)
Saan ka galing? Gawain ba ng matinong may asawa yan?
Ginagabi ka na naman sa pag uwi?.


Ana: Ano ba lando (nasasaktan ako) dumaan lang naman ako sa tindahan
ni aling Nena


Lando: ang sabihin mong haliparot ka nanlalaki ka.
(sabay sampal, tadjak, at suntok sa sikmura ni ana.


Namimilipit sa sakit si ana sa isang sulok habang duguan ang kanyang bibig.


Kinabukasan bakas sa mga braso at mukha ni Ana ang pasa at sugat sa kanyang bibig
dahil sa pambubogbog ni lando sa kanya.
Pero kailangan parin niyang pumunta sa bahay
na pinaglalabadahan niya.
Si Aling Nena ang kapitbahay nila Anaat Lando may ari tindahan sa kanto naging malapit nya na ring kaibigan ni Ana si Aling Nena dahil takbuhan nya ito tuwing hinahabol siya ng kuntsilyo ni Lando.

Aling Nena: Oh Ana sus Maryosep sinaktan ka na naman ng magaling mong asawa? bakit hindi mo ba kayang iwanan yan? pag nalalasing at naka droga puro pasa ka. ewan ko sayong bata ka hali ka ng dito lagyan natin ng yelo ang mga pasa mo. alam ba to ng mga magulang mo na ganito ang kalagayan mo?

Ana: Hindi po! alam nyo naman po ate na natatakot akoang iwanan si lando, dahil baka gipitin nila nag mga magulang ko at kunin ang sakahan.


Aling Nena: oo nga naiintindihan kita. hangang kelan ka mag titiis?
hangat may bulak na yang ilong mo?
bakit hindi ka nalang mag abroad para pag naka ipon ka
mababayaran mo ng ang utang ng magulang mo.


Yumoko nalang si Ana dahil alam nya na tama naman ang sinabi ni
Aling Nena. iniisip nya nalang pamilya nya.



Mga Chismosa


Habang dumadaan si Ana sa mga nag uumpukang mga Chismosa,
si Ana na naman ang kanilang Pulutan. “At itoy nag bubulong bulongan”


Aling Juana: Alam nyo ba nanarinig kong binugbog ng asawa nya yan kagabi!
Kasi daw nanlalaki.


Aling Mary: Sinasabi ko na nga ba, isang malanding babae yan.

Aling Evelyn: hay sinabi mo pa. Buti nga sa kanya.


ALing Lelen: Ganyan napapala ng mg babaeng malalandi.


“At itoy narinig ni Aling Nena habang nag
bubolong bulongan ang mga "Chismosa”

Hoy ang aga aga puro chismis yang inaatupag nyo.
Mag walis kaya kayo doon sa bahay nyo.
Mag luto kayo ng mga almusal nyo,
ke agaga puro chismis yang inaatupag nyo.
Habang sumisigaw sabay wasiwas ng kanyang walis tingting.




Chapter 2


Sa loob ng dalawang taon di mabilang na besis na siyang
sinasaktan si Ana ni Lando,
umabot na rin sa sukdulan at naisipan na niyang lumayas.
Nag kunyari si ana na papasok sa
pinaglalabadahan niya, pero ang totoo
nag aabang na ang kanyang kaibigan na si Glenda
" si Glenda ang kaibigan ni Ana na Vakla,
na ang dating pangalan ay Glen.
malapit silang magkaibigan, si Glenda ang takbuhan ni Ana
tuwing Binubogbog siya ni Lando"
bukod kay aling Nena


FLASHBACK MEMORY

Glenda: (nasalubong si Ana sa daan) Vaklaa sinaktan ka na naman ng hayop mong asawa? ako talaga nang gigigil na jan sa asawa mo! bakit ba kasi nag titiis ka sa kanya? Naku vakz kailangan na talaga nating ayusin ang mga papel mo at ng maka layas ka na. kong gusto mong sumama sa akin aalis ako pa puntang Japan alam mo naman kailangan kong kumita ng malaking datung kasi mag ka college na ang kapatid ko.

Ana: Sige vakz sasama ako sayo pagod na pagod na talaga ako kay lando, gusto ko na ding maka alis sa empyernong lugar na to.


Habang hawak ni Glenda ang Passport nilang dalawa."Vakz sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo? wala ng atrasan to ha?

Ana: oo vakz cgurado na ako, kasi kong di ko gagawin to patuloy parin akong sasaktan ni lando.

Ang hindi alam ni lando na nag aasikaso na pala ng mga papeles si Ana para maka layas sa pang aapi at pang bubogbog ng adik niyang asawa.

Nang araw ding yon Sumakay na ng Barko


Mula Butuan pa puntang Manila para doon mag apply sa ahensya na pa puntang
abroad. Gabi na ng dumating sila ng Manila, pag baba nila sa Barko
namangha si Ana sa Sobrang daming ng tao, at sa sobrang busy ng pier.
at bumeyahe na sila sa bahay ng tiyahin ni Glenda.


makikitira muna sina Glenda at Ana sa Bahay ni Aling Mering sa may
Project 6 Quezon City.

Aling Mering: Glenda pag pasensyahan nyo na itong tirahan natin ha?
sobrang liit lang kasi nitong bahay natin.

Glenda: Naku Tita, wag po kayong mag alala kasyang kasya po kami ni Ana jan,
(diba vakz?)

Ana: naku po Aling Mering wag po kayong mag alala mag kakasya kami jan

Aling Mering: Oh sha mag pahinga na muna kayo
alam kong pagod na pagod kayo sa byahe.

Kinabukasan nag Punta na ang dalawa sa ahensya ng papuntang
Japan para mag apply.
Hindi rin madali ang pag aaply ni Ana at Glenda dahil bilang entertainer sa japan kailangan nilang sumabak sa Training at sumalalim sa Japanese Language lesson sa loob ng tatlong buwan.

Ang hindi alam ni Glenda buntis pala siya noong umalis siya ng Butuan, dahil hindi naman normal ang dalaw nya ang akala nya delayed lang siya.

Glenda: Paano yan vakz aalis na ako sa makalawa. bakit kasi di kag conrtol ayan tuloy nabuntis kapa ng walangb hiyang asawa mo. paano na yan ngayon? paano na ang mga pangarap mong ka ahon sa hirap?

Ana: Vakz hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko, ayaw ko naman umuwi ng mindanao. cguro dito nalang ako sa manila hangang manganak ako. mag hahanap nalang muna ako ng trabaho dito hangat kaya ko pa.

Glenda: Basta Vakz kahit anong mangyari oh pag kailangan mo ng pera wag na wag kang mahihiyang lumapit sa akin mag text oh tumawag ha?

Ana: Salamat talaga Vakz ha? kong wala ka di ko talaga alam ang gagawin ko. ang laki na ng utang na loob ko sayo.

Glenda: ang arte mo vakz what's are friends are for kong di tayo mag tutulongan Duh! pektusan kaya kita? basta ninang ako ng anak mo. (sabay pitik sa kanyang mga daliri)

at nag yakapan ang dalawa

Araw na ng pag alis ni Glenda hinatid ni Ana ang kanyang Matalik na kaibigan sa Airport.
at bumalik na si Ana sa bahay ng tyaahin ni Glenda, hindi alam ang gagawin paano na kaya ang kanyang bukas ngayong mag isa nalang siya, wala na ang kanyang kasanga. hangang nakatulog si Ana kakaisip.

Kinabukas nag umpisa ng mag hanap si Ana ng trabaho dahil kong hindi siya mag hahanap ng mapapasokan wala siyang gagastusin sa panganganak.

Nag apply siya bilang isang cashier sa isang club sa may Ermita, at nakapasok naman siya. pero hindi alam ng may ari na buntis siya dahil pag sinabi nya hindi siya tangapin. at dahil hindi pa naman halata ang tiyan nya kaya nagsinungaling nalang siya.

Si Momi Amor May ari ng Club
Pinakilala si Ana sa mga kasamahan niya sa Trabaho

Momi Amor: Oh mga anak meron tayong bagong kasama sa trabaho, Si Ana siya ang hahalili Jhing dahil si Jhing ay unalis na dahil nakapag asawa na ng Aussie  at dinala na sa Australia  

Momi Amor: Ana ito si Shey ang aking Floor Manager, ito naman si Cris at si Vhinoy ang ating Bouncer. at ito naman sina Anne , Solenn, Roxy, Mariel, Cherry, Apple and May sila ang aking mga Angels. Oh sha mga Angels balik na sa trabaho lets go make some money. 

Sabay sabay nag si Alisan ang mga Angels ni Momi Amor pati ang mga Bouncer na si Cris at si Vhinoy nag kanya kanya na silang balik sa pwesto. Noong gabi ding yon ay nag simula na si Ana sa kanyang trabaho bilang Cashier. at dahil maraming parokyano sa club at sobrang busy nakalimutan ni Ana ang kanyang problema. 

Umaga ng naka uwi si Ana dahil sa sobrang pagod bagsak kaagad si Ana sa kanyang higaan. (hindi na nga siya naka kain) hapon na ng nagising si Ana at kailangan nya na namang mag gayak para pumasok sa trabaho. 

Dalawang buwan na ang nakalipas unti unti ng lumalaki ang tiyan ni Ana. pilit parin niya itong tinatago. nag susuot siya ng girdle para hindi mahalata ang tiyan nya. 

Isang Gabi nagkaroon ng Raid sa club na pinag ta trabahuan ni Ana  dahil meron din palang mga ilegal na aktibidad na nangyayari sa loob nga club gaya ng sekretong pag bibinta ng mga pinag babawal na gamot. ang akala nilang dalawang lalaking parokyano ay mga Pulis pala. na sina P03 Carlos Dalisay P03 Bato Dela Cruz. sa ginta ng kaguluhan at putukan tinamaan si Ana ng Ligaw na bala.  nahuli ang asawa ni Momi Amor na si Bong Devilla na siya ang may pinaka malaking bagsakan ng droga sa Ermita kamasa sina Momi Amor, ang mga Angels at ang dalawang Bouncer na si Cris at Vhinoy

Isinugod kaagad Si Ana sa Ospital ng Maynila at sa kasawiang palad namatay ang bata sa kanyang sinapupunan pero naka ligtas naman si Ana. 

Tatlong Araw si Ana nakaratay sa higaan at walang malay  binabatayn siya ni Aling Mering. pag gising nya nararamdaman nya ang sakit at ang huling naalala nya ay ang kaguluhan sa Club. at pag dilat niya kang kanyang mga mata puro puti ang nasa paligid nya. wala siyang nakitang tao kasi si Aling Mering Lumabas muna para maka bili ng pagkain.
pag pasok ng Nurse sa kwarto nya tinanong nya ang Nurse

Ana: Nurse kumusta po ang Anak ko?
Nurse: Mam si Doctor Manuel Montenegro  nalang po ang mag eexplain sa inyo.

Dr. Manuel Montenegro oh kilala sa tawag na "DR. M" ay isang binatang Doctor na nag tapos nang Medecina sa Bansang America pero piniling mag Serbesyo sa mga Kababayan nya sa Pilipinas. Gwapo, matangkad, mayaman at maraming patay na patay sa kanya, lalo na ang kanyang Ex na si Daniela Romualdez.

Dr. M: how are you feeling Ana?
Ana: Doc Kumusta po ang Anak ko?
Dr. M: Im so sorry Ana namatay ang bata sa iyong sinapupunan. i had no choice to save you Limang buwan palang ang bata sa iyong sinapupunan at naubusan ka ng maraming dugo.

Humagolgol nalang sa iyak si Ana

Sa Station ng Pulis dinala ang mga nahuling trabahante ng Club, tatlong araw silang na detained sa presento  dahil byernes sila na huli lunes na na e process ang kanilang drug test. pinauwi naman sila dahil negativo naman ang kanilang Drug test maliban kay Momi Amor at Solenn nag positivo sa Droga.

Pang Apat na araw na sa Ospital si Ana at pinayagan na siya ng Doctor na makauwi. pero kailangan ni Ana bumalik sa susunod na Martes para sa Check up. hindi na bumalik si Ana sa Hospital dahil Pakiramdam naman niya ay ok na siya. Kailangan nya kasing mag hanap ng trabaho agad agad, dahil nakakahiya naman kay Aling Mering na wala siyang maiambag sa Pagkain.

Isang Araw sa kasagsagan ng init ng panahon, tanghaling tapat habang sinusuyod ni Ana ang Mga Kalye sa Makati para maka hanap ng trabaho kahit taga linis at taga hugas sa  mga karenderia. hindi niya nakita ang isang  at itim na at magarang BMW nahagip si Ana at tumilapon sa tabi. sabay hinto ng sasakyan at lumabas ang Driver ng BMW si Mang Tom sabay tanong

Tom: Miss Okay kalang ba? 
Kasunod ni Mang Tom Lumabas din sa sasakyan ang isang Matandang Babae na may 65 na taong gulang. maganda sofisticada kahit may edad na si Donya Consuelo

Donya Consuelo: Tom Dallhin natin siya sa hospital

Ana: ay Mam ok lang po ako. pasensya na po at naabala ko pa kayo.

Donya Consuelo: No No i'm gonna take you to the Hospital 

Ana: Mam Ok lang po talaga ako.  maraming salamat nalang po.

Donya Consuelo: saan ka ba nakatira? at least i could give you a ride. but i live close by i could take you to my house para mabigyan kita ng lunas jan sa sugat mo. Don't worry iha isa din akong Doctor Retired nga lang. 

Puyamayag na si Ana na sumama sa matandang babae, kasi kailangan nya talaga ng dressing sa sugat nya. mga ilang minuto palang nag naka lipas pumasok na sila sa isang Malaking Gate na naka sulat ay "WELCOME TO DASMARINAS VILLAGE" namangha si Ana sa sobrang laki ng mga bahay. sa di kalayuan Biglang huminto ang saksakyan ilang minuto may isang Babaeng nag bukas ng gate ng isang pagka lakilaking bahay. ang bahay ni Donya Consuelo. 

Pag pasok nila sa pintuan sinalubong sila ni Manang Lynn si Manang Lynn ang mayor doma ni Donya Consuelo.

Donya Consuelo: Manang Lynn is my son home? i saw his car in the garage.
Manang Lynn: Yes Mam nasa Lanai po si Senyorito

Narinig ng anak ni Donya Consuelo ang ang boses ng nanay nya kaya lumabas siya.
Nagkagulatan si Ana at ang anak ni Donya Consuelo dahil ang anak ni Donya Consuelo ay ang gwapong Doctor ni Ana na si Dr. M 

Donya Consuelo: do you guys know each other? 
Manuel: Yes Mom pasyente ko si Ana siya yong kinuwento ko sayong pasyente ko na hindi na bumalik para sa checkup nya. paano naman kayo nag ka kilala tanong ni Manuel sa Ina

Donya Consuelo: nahagip kasi siya ni Tom kanina sa daan e ayaw nya namang magpa dala sa hospital kaya sabi ko sa bahay nalang para ma lagyan ng dressing ang sugat nya. since you are here can you do it for me please? pag lalambing ng ina.

Manuel: Okay Mom

Hindi Mapakali si Ana sa Sitwasyon, naiilang siya sa gwapong Doctor. habang nililinisan ng Doctor ang kanyang sugat amoy na amoy niya nga mabangong mamahaling perfume. hindi niya namalayan na nakapikit na pala siya at papalapit na ang kanyang mukha sa pisngi ng Doctor.

Ng biglang bumalik si Donya Consuelo

Donya Consuelo: Honey i was thinking if ana wants to have dinner with us?
Manuel: Ana its our pleasure if you wanna stay dinner with us
Ana: ay wag na po Sir at Maa'm nakakahiya naman po ok na po ako.
Donya Consuelo: No i insist iha ill ask Manang Lynn to cook my Son Favorite Pinakbet

Para bang may kirot na naramdaman si Manuel noong tumangi si Ana na  mag stay para sa dinner.

Ana: Cge po kayo po ang bahala.
Donya Consuelo: "tinatawag ang kanyang mayor doma" Ah Manang Lynn i want you to make Pinakbet for dinner cause we have guest tonight. and make it so special okay?

Manang Lynn: Yes Maa"m

at tumungo na sa kusina ang mayordoma para sabihin sa kusinera ang ipinapahandang dinner ni Donya Consuelo

Habang nag hahapunan sila ramdam na ramdam ni Ana ang tesyon sa loob ng dinner room. pinag papawisan siya kahit sobrang lamig naman ng aircon. hindi siya mapakali dahil muntik na niyang halikan kanina ang gwapong Doctor.

Binasag ni donya Consuelo ang katahimikan

Donya Consuelo: ah Iha what are you doing in makati today anyway? you kook so pale and tired.
Ana: ah Maa'm Nag hahanap po kasi ako ng trabaho bago ko po ako nahagip ng sasakyan nyo.
Donya Consuelo: Oh what Job are you Looking for? office Job? call center?
Ana: Naku po Maa'm hindi po. kahit ano lang po ang importante may trabho kahit serbedora lang po.
Donya Consuelo: Why serbedora you look smart and pretty.
Manuel: Mom your asking too much question. geez
Donya Consuelo: oh shusshh i wanna know Ana's background  cause i like her.
Manuel: can we just eat and talk about that later?

pero ang totoo gusto nya ring malaman kong bakit mabaril si Ana. pero pinigilan nya ang kanya Momi kasi alam nyang sobrang daldal nito.

Pagkatapos ng hapunan di na rin nag tagal nag paalam siya kay Donya Consuelo. Pinatawag ni Donya Consuelo si Mang Tom para ihatid si Ana sa bahay ni Aling Mering na tinitirhan nya.

Manuel: No Mom i can take Ana home let Mang Tom rest
Donya Consuelo: Okay Son, call me later

Pangiti ngiti pa si Donya Consuelo hindi mawari bakit gusto niya si Ana samantalang kakakilala palang niya kay Ana, oh dahil ba naikwento na ni Manuel sa Kanya na may isang pasyente siyang nag aagaw buhay pati ang bata sa sinapupunan pero isa lang ang nailigtas ni Manuel. gustong gustong malamang ni donya Consuelo ang katauhan ni Ana. Dinampot ni Donya Consuelo ang Telepeno ang nag dial

ringggg,,,,, ringggggg, ringgggggg,,,, ringgg...

This is detective Raine Dko how may i help you?
(sa kabilang linya)

oh Hi this is Consuelo Montegro meron lang akong ipapahanap sayo.

Nasa Edsa na sina Ana at Manuel pag kakataon na ni Manuel na matanong si Ana kong ano talagang totoong Nangyari sa kanya bago siya dinala sa Ospital.

Manuel: Ana Anong nangyari bago ka nabaril? at bakit hindi ka bumalik sa Ospital para sa Check up mo?
Ana: Nag ta trabaho akoang cashier sa isang Club ang huling naalala ko nagkagulo ang mga tao nakarinig akong putukan. pagkagising ko nasa Ospital na ako.
Hindi ako bumalik sa Ospital para mag pa check up dahil kailangan kong maka hanap ng trabaho, nakaka hiya naman sa tiyahin ng kaibigan ko kong wala akong maiambag sa bahay.

Manuel: e ang tatay ng batang dinadala mo?
Ana: Wala akong asawa.

hindi na nag tanong si Manuel dahil bakas sa mukha ni ana ang lungkot.










No comments:

Post a Comment