DOLLAR SENSE CHALLENGES
By: iNovemberain
When i stepped the American soil. I prayed to 'God' na God please allow me to survive in the foreign land. Kasi first time kong maging OFW. “how’? Isa akong yaya noon sa atin. Ng umuwi na ang amo ko tinanong ako kong gusto ko bang sumama sa kanila? “Malamang diba? Choosy pa ba ako?”)sabi nga nila its your golden ticket ayaw mo pa? Kasi nag dadalawang isip ako, dahil nga first time ko at ni minsan di pa ako naka labas ng Pilipinas. Pag lapag na eroplano hindi ko ramdam ang america, feeling ko nasa laguindingan airport lang ako!
First three months lahat ng sahod ko inipon ko. Di muna ako nag lalabas, tuwing sabado at lingo nasa kwarto lang ako para makatipid. At isa pa wala pa naman akong mga kaibigan so wala din akong mapupuntahan!. Pero ganun na talaga sa kahit a pilipinas pa noon. Twing weekend off ko nasa kwarto lang ako. Sayang kasi pera kong pang lakwatsa mo lang. Una kong binili sa naipon kong pera ay LOTE. dahil wala kaming sariling lupa sa atin. Nakikitira lang kami sa lupa nang iba. pag wala kang sariling lupa malamang wala ka rin sariling matinong bahay! Nag ipon na naman ulet ako. After 5 months nagpatayo na akong bahay sa nabili kong lupa, 105k ang unang ipinadala ko para matayo ang bahay.
February 26, 2016 ko itinayo ang bahay ko.
Sobrang saya yung makikita mo ang soon to rise na pinapangarap mong
bahay para sa Pamilya mo.
at habang ginagawa ang bahay, may bakante pa namang lote, nag tanim ang nanay ko ng mais.
sayang din kasi.. pagkain na rin yan pag namunga.
(proud anak mag bubukid)
yong nanay mong hands on sa pag papagawa ng bahay
(be like)
tulong tulong sa pag sulong, walang mahihirapan
kong tulong tulong.
(masakit pa ang balakang nyan)
pero hands on parin sya.
Pero syempre nagpapadala din akong pang gastos sa nanay ko. 50$ every two weeks approx 2k pesos. Kasi lagi kong pina palala sa kanila na kailangan kong mag ipon para sa bahay natin. Dahil sanay naman tayo sa buhay na kinagisnan natin.. 50$ lang sapat na pambili ng bigas,. Ganun na ganun lang ang routine ko sa loob ng 8 buwan. Hangang sa nabuo ko na nag bahay.
Patapos na ang bubong, pedi ng tirhan. ang mahalaga may masilungan ang pamilya ko.
kaiangan na talaga nilang lumipat, naglagay nalang kami ng temporary na bintana at pintuan.
at lagi ko pa silang niloloko, na temporay permanent na yan.
Sobrang saya kasi noon ang bahay namin ang bubong tagpi tagpi lang, twing umuulan bumabangon kami para hindi mabasa, at kong wala namang ulan kitang kita mo naman ang buwan at mga bituin. Tapos walang sahig, lupa na deretso.. Dahil ganun ka hirap ang buhay, lagi akong nakikipag sapalaran sa manila, pag kakatulong talaga ang pinpasok ko. Dahil mababa lang naman ang pinag aralan ko. Kaya pala ako nakapag ipon dahil wala naman akong ginastos pag punta dito! Gastos lahat ng amo ko. At hindi naman ako pinagbayad. So wala akong utang.
araw na nag palagay ako ng bintana.
Yung nabuo sya, at araw ng pag aayos ng balkonahe
nag palagay na akong ceiling
ngiti palang nila, maligaya na ako.
pero ang (tuba) talaga ang bida hahaha
23 years wala po kaming ilaw, as in di namin afford magpa kabit ng ilaw.
nabuhay kami sa lampara, kahit pasok kami bilang indigent, di parin namin
kaya ang magpa ilaw, kasi ang layo ng poste ng ilaw, mga 600 meters ang layo mula sa poste.
and i spend 38K para matikman naman namin kong anong feeling ng may ilaw at may video k
divider
The Tiles
what make me so happy ay may matino na kaming sahig, yung tipong noon sa lupa lang kami naka apak, pero ngayon sa tiles na.
wala kami nito noon. matinong upuan nga wala kami, papangarapin pa ba namin yan?
my niece riding our new motorcycle
(tips ko lang po na kong kaya mo namang pag ipunan ang isang bagay na gusto mo. pag ipunan mo na lang ito, kasi pag inutang mo mas malaki pa ang tubo nito kesa sa actual na presyo) yun nga lang mag aantay ka lang ng konting panahon.
my life change when i found someone i can spend the rest of my life.... next time nalang yung love story ko na pang Maya at Sir Chief hehehe
TIPS:
- Wag mag shopping ng mga anek anek, maging mapanuri sa mga binibili mo dahil ang akala mo 70%sale pero pag binasa mo sa baba ng karatola may nakalagay na 70% on the next item. Cguraduhin kong talagang sale sya bago dalhin sa cashier, dahil dyahe kong ipapa cancel mo ang binili mo.
- Iwasan ang panay labas at kain sa labas. Ok na ang paminsan minsan.
- Pag tuwing papasyal cguraduhing may baon kang tubig at pagkain, dahil ang mamahal ng bilihin tubig 2.50 $ tax not included pa yan. jusko
- Wag sanayin ang mga naiwang pamilya sa pilipinas ng pa bongga, laging ipaliwanag sa kanila na hindi lahat ng OFW ay swerti sa mga napupuntahan nila. Kaya matutong magpahalaga sa mga padala.
- Wag laging sumabay sa bagong labas na iPhone, dahil after 6 months mag lalabas na naman ng new iPhone si apple
- Iwasan ang puro loan.. Dahil baka ang ending taga loandon kana!
- Laging hilingin kay God ang gisingin ka tuwing umaga, dahil ang pagsubok peding lagpasan basta gising ka..
- Iwasan mo din pautangin ang buong barangay nyo, dahil mahirap maningil.
- Iwasan ang umastang mayaman kong ang pinang bili mo naman ay inutang.
- Laging magpasalamat sa mga biyayang natatangap sa araw araw.
Thanks for Reading.
iNovemberain
Congratulations sis inovemberain 👍
ReplyDeleteSalamat sis Fem ����
ReplyDeleteI happen to visit your blog and this is worth reading lalo na yung mga tips, very relatable.
ReplyDeleteSis nakita ko may Blogspot kana din, salamat po.
Delete